Pulisya at mga katuwang na opisina nakaantabay pa rin sa demolisyon sa Naga City

NAGA CITY- Nakaantabay ang mga personahe ng Naga City Police Office, Public Safety Office at emergency responders sa demolition area sa Barangay Santa Cruz.  

Matatandaan na nagkainitan na noong Setyembre ang mga residente at demolition team sa Fernandez Compound at sa patuloy na demolisyon may mga nakikipagmatigasan pa rin sa paniniwalang hindi tama ang ginagawa ng team.

Giit ng residente walang Presidential Commission For the Urban Poor Clearance at marami pang mali sa aksyon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Noong Agosto pinangunahan ng PCUP-Field Operations Division for Luzon ang serye ng Pre-Demolition Conference (PDC) sa pamamagitan ni PCUP Area Coordinator Victor Allan Ilagan para sa iba’t ibang kaso ng ebiksyon at demolisyon sa lungsod. Tinalakay ang malilipatan ng mga apektado pati ang tulong ng LGU.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Rolly Campillos ng Housing and Settlement Development Office (HSDO), nasa 45 hanggang 50 ang apektadong pamilya. Sinabi nito sa Konseho na dekada na ang nagdaan noong bibilhin sana ng lungsod ang property para sa mga programa sa urban poor. Dumaan na sa korte ang usapin hanggang sa nagkaroon ng writ of demolition.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Tiniyak ni Campillos na tutulong upang makapaglipat ng maayos ang mga residente.