Pulis na nagpahinto sa daloy ng trapiko sa QC tinanggal muna sa pwesto

Inalis muna sa puwesto ng Quezon City Police ang pulis na nagpahinto sa daloy trapiko sa Common Wealth Ave sa Quezon City.

Kung saan binanggit pa niya ang pangalan ni Vice President Sara Duterte kaya pinahinto muna ang daloy ng trapiko.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Ang QCPD Station 14, naglabas na rin ng statement tungkol sa video at humingi ng tawad tungkol sa insidente.

Sabi pa ng QCPD, nagkaroon lamang ng kalituhan at humingi na rin ng paumanhin ang pulis sa viral video.

Read More:  Senate passes bill barring public officials’ relatives from government contracts

Samantala, itinanggi naman ni VP Duterte na siya ang dahilan ng pagpapahinto ng mga sasakyan sa Commonwealth Ave. na nagresulta ng matinding traffic sa nasabing lugar.