Prutas na Lemon at Melon pinag-isa sa pamamagitan ng pag-eeksperimento sa Japan

Nakatikim kana ba ng prutas na dalawang klase ngunit iisa?

Isang prutas kasi kamakailan ang bunga ng pagsusuri at napag-eksperimentuhan ng grupo ng mga magsasaka sa Hokkaido, Japan kung saan napaghalo ang tamis ng  prutas na Melon at asim ng Lemon.

Tinawag nga ito na “Lemon Melon” kung saan balanse umano ang lasa ng asim at tamis.

Kung ito’y hinog na hinog na nangingibabaw umano ang tamis nito at katamtaman na lamang ang asim.

Sa ngayon, inaasahan din ang na aabot sa halos 4 na libo ang maibebenta sa mga supermarket sa Sapporo sa paparating na buwan ng Agosto.|WENCY LISAY