PRRD, inutos sa DOH na iprayoridad ang benepisyo ng health workers

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health na iprayoridad ang pagbabayad sa allowances at iba pang benepisyo ng health workers sa gitna ng pagpoprotesta ng ilang grupo.

Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang recorded na Cabinet briefing na ipinalabas kagabi kung saan ay present sa pagpupulong sina Health Secretary Francisco Duque III at Undersecretary Leopoldo Vega.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ipinunto ng Pangulo na pwedeng unahin ng DOH ang pagbabayad sa mga health workers kung may sapat pa itong pondo.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Tinatayang nasa P15-billion ang nailaan para sa special risk allowances at hazard pay sa ilalim ng Bayanihan 2 na ayon kay Vega ay naipamahagi na sa iba’t-ibang mga ospital.

Tiniyak naman ni Duque na sisilipin nito ang mga ulat na meron mga health workers ang hindi pa nakakatanggap sa kanilang benepisyo.