Proyektong covered court sa Masbate na dalawang beses pinondohan, inireklamo sa Ombudsman ng isang mamamahayag

Nagsampa ng kaso sa opisina ng Ombudsman ang isang media practitioner laban sa Provincial Government of Masbate ng kasong dishonesty, falsification, violation of the Anti-Graft and Corruption Practices Act RA 3019) at paglabag sa ethical standards of public officials and employees o RA 1379, lahat binubuo ng kasong grave misconduct.

Ayon sa presidente ng Masbate Quad Media Society, Inc (MQMSI) na si Ruben Fuentes, naglagay umano ng pondo ng dalawang beses ang Kapitolyo sa iisang proyekto na covered court sa Brgy Centro, Placer, Masbate.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa salaysay nito, noong 2018 ay pumasok sa isang 15-year bank loan agreement sa DBP ang Kapitolyo ng mahigit P2M at kasama dito ang nasabing covered court subalit noong 2022 ay kasali ulit ang covered court sa pondo na mula sa 20% development fund ng Kapitolyo.

Dagdag pa nito, nang magsagawa ng inspeksyon ang COA noong buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon, ang nasabing Centro covered court ay nagkaroon ng ‘audit findings.’

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Lumabas sa report ng COA na 90% ng pondo ng nasabing proyekto ay nailabas na at naibayad na sa kontraktor gayong nasilip ng COA na ang estraktura ay pawang mga poste pa lamang ang nailalagay.

Nang mapuna sa social media ang nasabing covered court ay saka pa lamang ipinagpatuloy ng Kapitolyo ang pagpapagawa subalit bago pa ito ay nakapagsampa na ng kaso sa Ombudsman ang complainant.