Provincial legal officer, may pahayag kaugnay ng desisyon ng COMELEC en banc hinggil sa DQ case laban kay Gov. Rosal

LEGAZPI CITY – “No writ of execution, no execution”, ito ang naging pahayag ni Provincial Legal Officer Atty. Peter Leo Ralla patungkol sa naging desisyon ng COMELEC en banc sa disqualification case na inihain laban kay Albay Gov. Noel Rosal.

Ayon kay Ralla, hangga’t walang ibinababang sulat mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), mananatiling uupo ang gobernador sa lalawigan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kahit wala umano ang gobernador sa kanyang opisina, normal pa rin naman ang pagtatrabaho ng bawat empleyado sa loob ng kapitolyo.

Naalarma lamang ang mga ito nitong Biyernes dahil sa biglaang pagsulputan ang kapulisan sa nasabing opisina.

Hindi naman dapat umano bantayan ng mga otoridad ang kapitolyo dahil wala naman krimen na nangyayari.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon pa rito, walang prior notice na natanggap ang pamahalaan patungkol sa bomb threat dahilan ng biglang pagdating ng mga kapulisan sa kapitolyo.

Binigyang-diin pa nito na ang tanging magbibigay ng writ of execution ay ang kalihim ng DILG.