Provincial government ng So.Cot, may 113 bagong scholars

KORONADAL CITY- NASA 113 ang mga bagong scholars ng provincial government ng South Cotabato sa ilalim ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-In Aid Program o KPSGIAP.
Ang mga ito ay bahagi ng Batch 19 ng mga scholars para sa Regular College Degree sa school year 2023-2024.
Ang mga scholars ay makakatanggap ng free tuition, monthly stipend, book allowance at iba pa.
Sa Oktubre 14, isasagawa ang orientation at signing sa memorandum of agreement o MOA ng mga scholars kasama ang kanilang mga magulang o guardian.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City


Ang KPSGIAP ay isang programa ng provincial government na may layuning matulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.