Provincial Government, ipapahiram ang mga heavy equipments sa Narra at Linapacan

Nilagdaan ni Gobernador V. Dennis M. Socrates ngayong araw, January 23, 2023, sa kanyang opisina sa Provincial Capitol ang Memorandum of Aggrement (MOA).

May kasunduan ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan at ang lokal na pamahalaan ng Linapacan at Narra para sa pagtatayo at pagpapaunlad ng kanilang mga proyektong pang-imprastraktura.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang unang MOA ay sa pagitan nina Gov. Socrates at Linapacan Mayor Emil T. Neri, kung saan gagamitin ng lokal na pamahalaan ang mga heavy equipment nito tulad ng 2 bulldozer units, 2 well machine, compactor at 2 dump trucks.

Sa parehong nilalaman ng kasunduan, lumagda rin sa kasunduan sina Narra Mayor Gerandy B. Danao at Governor Socrates kung saan gagamitin ng LGU ang mga heavy equipment ng Kapitolyo, tulad ng backhoe, dump truck, 2 bulldozer units at isang compactor, sa pagbuo ng mga infrastructure projects ng mga ito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang layuning ito ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang paraan upang makamit ang ninanais na pag-unlad pagdating sa pampublikong pasilidad  at imprastraktura sa bawat munisipyo para kapakinabangan ng mga tao.