Provincial Assessor’s Office sinisimulan na ang digitization ng real property tax

Kinumpirma ng Sorsogon Provincial Assessor’s Office na nagsisimula na sila sa pag-aayos ng lahat ng mga records partikular na ang old maps ng lahat ng mga real property sa lalawigan o ang tinatawag na digitization.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Provincial Assessor’s Office Head Engr. Rene Loreto Gilbas, sinabi nito na ang naturang hakbang ay upang makapag-update sila ng lahat ng record at magkaroon ng data base upang mas maging madali ang kanilang trabaho sa pagmonitor ng mga real properties sa lalawigan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Pamamaraan din umano ito upang hindi mahuli ang lalawigan at magkaroon ng mas mabilis na real property tax collection.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hakbang rin ito patungo sa Online Transactions kung saan mas magiging sistematiko na ang pagbabayad ng buwis at hindi na magkaroon pa ng mga aberya at kalituhan sa lahat ng taxable properties na taon taon ay dapat macheck at mamonitor ng kanilang opisina.