Proposed online submission ng COC ngayong 2022 local and national elections, malabo pa

NAGA CITY – Bukas ang Commission on Elections sa ilang mga pagbabago sa inaasahang mangyayaring halalan sa 2022.

Kabilang sa mga sinasabing posibleng pagbabago sa sistema ay ang online submission ng mga certificate of candidacy o COC ng bawat kandidato, lokal man o nasyonal.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Atty.Maico Julia Jr. , Comelec Officer ng lungsod, na may mga ganyang ngang proposal subalit tila anya malabo namang mangyari.

Nilinaw ng abogado na hindi naman madali ang pagpatupad ng proposal na ito sakaling maaprobahan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Mas magaan daw ang sistemang ito para sa mga kandidato subalit sa panig nilang mga nasa komisyon ay tila malabo dahil baka magka problema sila sa lehitimong dokumento na maisusumite sa kanila.