Promotional event ng Mayweather vs Logan Paul fight nauwi sa gulo

Tumaas ang tensyon sa promotional event ng June 6 exibition fight sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at ng vlogger turned boxer na si Logan Paul.

Ito ay matapos kunin ng kapatid ni Logan na si Jake ang suot na cap ni Mayweather.

Base sa ilang mga videos na kuha ng iba’t-ibang news outlet, ay makikita na nagsasagutan sina Mayweather at Jake sa gitna ng maraming camera.

Sinubukan naman ni Paul na pahupain ang tensyon hanggang sa kunin ni Jake ang suot na cap ni Mayweather.

Doon ay nagsimula nang sugurin ni Mayweather ang kapatid ni Logan Paul.

Nagtamo naman si Jake ng black eye habang duguan ang kanyang bibig.

Gayunman, tila ay proud pa si Jake habang hawak-hawak ang cap ng undefeated boxer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *