CAMARINES NORTE – Ngayong darating na ika-30 ng Agosto, 2022 ay pormal ng ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang programang “I-TEXT MO SI DONG”.
Layon ng programang ito na makapagbigay ng agarang pagtugon sa publiko sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga reklamo at karaingan sa mga gawa ng “red tape”, katiwalian at hindi maayos na serbisyo mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan
Ang mga concern ng bawat indibidwal ay maaaring maipaabot sa pamamagitan ng pagtext ng DONG (SPACE) <IYONG MENSAHE> at isend sa “hotline” na may numerong 744466773.
Ang pormal na paglulunsad ay gagawin sa pamamagitan ng maikling programa na dadaluhan ng mga Department heads sa lahat ng tanggapan ng kapitolyo.
