Private hospitals naghahanda sa posibleng COVID-19 surge dahil sa Omicron variant

Pinaghahandaan ng mga pribadong ospital ang posibleng pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Incorporated president Dr. Jose Rene de Grano mahigpit nilang mino-monitor ang kaso ng COVID-19 dahil sa bagong variant.

Read More:  DILG denies harassment claims against VP Sara Duterte

Subalit sa ngayon ayon kay De Grano patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan maraming mga ospital ay kahit papaano ay nakapagpahinga.

Read More:  Ombudsman opposes Romualdez’s continued hospital confinement

Kung sakali man dumating ang Omicron at magkaroon ng COVID-19 surge ay handa naman umano ang mga ospital at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DOH.