Presyo ng mga produktong pang media noche wala nang naging pagalaw dalawang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon –DTI

CAMARINES NORTE- Walang naging pagalaw sa presyo ng media noche products dalawang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon ayon mismo sa Department of Trade and Industry.

Sa text message sa Brigada News FM Daet, inihayag ni Gary Rafanan, Information Officer ng DTI Camarines Norte na walang naging pagbabago sa presyo ng mga produktong pang media noche base umano sa kanilang price monitoring.

Dati na ring sinabi ng DTI  na walang inaasahang pagtaas o pagbabago kaya kung ano ang presyo ng mga ito bago magpasko ay mananatili hanggang sa pagsapit ng bagong taon.

Inaasahan na simula ngayong araw ay dadagsa na ang mga mamimili sa iba’t- ibang grocery store para bumili ng pang media noche.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Matatandaan na nagsimulang magmonitor ang DTI ng presyo ng mga noche Buena products noong huling linggo ng Nobyembre.

Ngayong taon ay naitala ang pagtaas ng presyo ng ilang produktong pang noche buena kumpara noong 2020.

Kabilang nga sa mga tumaas ang presyo ay ang mga produktong galing sa karne tulad ng ham na tumaas ng hanggang 9 % depende sa laki.

Tumaas din ang presyo ng all -purpose creamer ng 1. 92 %, sandwich spread sa 2. 60 %,  at mayonnaise ng 3. 68%.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa kabilang dako bumaba naman ang presyo ng ilang produkto tulad ng spaghetti sauce na bumaba ng 5 % o halos P3. 50, spaghetti ng hanggang piso kada brand at keso de bola ng hanggang sa P9. 00.

Habang ang macaroni, salad macaroni at elbow macaroni gayundin ang cheese ay walang naging pagalaw sa presyo.

Hindi naman saklaw ng monitoring ng ahensiya ang presyo ng mga prutas at iba pang agricultural products.

Naka- post ang kumpletong listahan ng Suggested Retail Price (SRP) sa facebook page ng DTI Camarines Norte.