Presyo ng kamatis, doble ang itinaas sa Batangas City

Doble na ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng kamatis sa mga palengke sa Batangas City.

Sa pag-iikot ng Brigada News FM Batangas sa Lumang palengke, nasa P200.00 na ang kada kilo ng kamatis na dating P100.00 lamang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Rowena Dungo, tindera ng mga gulay, dahil sa pagsipa ng presyo ng kamatis, karaniwan sa mga mamimili ay isa o dalawang piraso na lamang ang binibili.

Kung kaya’t maging silang mga magtitinda ay limitado na rin lamang ang kanilang kinukuha o binibili sa mga suppliers.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng kamatis ay ang pagkasira ng mga taniman nito sa Mindoro at ilang lugar sa hilagang Luzon dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng bagyo at Hanging Habagat.