Presyo ng gasolina sa Camarines Norte halos P80 na kada litro kasunod ng panibagong pagtaas ng mga produktong petrolyo

Halos naglalaro na sa P80 ang kada litro ng gasolina sa mga pangunahing gasolinahan sa Camarines Norte kasunod ng panibago na namang pagtaas ng mga produktong petrolyo epektibo nitong Martes, April 26.

Sa Shell Mancruz nasa P79. 74 ang kada litro ng V- Power gasoline at P78. 74 naman sa Fuel Save gasoline.

Habang ang kanila namang Fuel Save diesel ay nasa P78. 79  at 82. 79 naman sa kada litro ng kanilang V- Power diesel.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa Caltex nasa 78. 25 ang kada litro ng Platinum,  P77. 75 sa kanilang gasoline Silver at P77. 80 sa diesel.

Sa katabi nitong Seaoil ay nasa P78. 25 ang kada litro ng kanilang Extreme  95, P77. 75 sa Extreme U at P77. 80 sa Exceed diesel.

Sa Ptt nasa P78. 25 ang kada litro ng Blue Gasoline 95+,  P77. 75 sa Blue Gasoline 93+ P77. 80 sa BlueDiesel.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa Petron Pandan P 78. 25 sa XCS gasoline, P77. 75 sa Xtra advance at  P77. 80 sa kada litro ng diesel habang ang turbo diesel ay nasa 79. 80.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat na Phoenix petroleum para naman sa kanilang Premium, Super unleaded ay diesel.

Dahil dito umaaray na ang mga nasa transport sector na apektado na ang hanapbuhay.

Magsasagawa naman ngayong araw ng registration sa mga tricycle driver ng Daet para sa Pantawid Pasada program.