Presyo ng galunggong sa Naga City sumirit na rin

NAGA CITY- Sumirit na ang presyo ng galunggong sa Naga City People’s Mall dahil sa mahinang supply nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nanay Margie, sinabi nitong kahit nasa P240 pesos na ang bawat kilo ngayon ng galunggong, mabenta pa rin aniya ito at binabalik balikan ng mga mamimili.

Ganito rin ang naging tugon ni Jennifer Abayo na ibinebenta ang panindang galunggong sa P230 pesos bawat kilo na galing sa P160 pesos. Sa kabila kasi ng mataas na presyo nito, sariwa at magaganda ang kalidad ng isda kaya kahit mahal, mabenta pa rin.

Kung noon sampung banyera pa ang dumarating kay Nanay Jennifer araw-araw, ngayon nasa apat na banyera na lamang.

Sa Metro Manila, kinukwestiyon ng ilang agri-group ang taas presyo ng nasabing isda. Sa Naga City, ang pagiging “bulanon” o papabilog na buwan ang nakikitang rason ng mga manininda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *