Presyo ng galunggong, inaasahang bababa na

Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na bukas na ang major fishing ground sa Palawan matapos ang tatlong buwang close fishing season.

Sinabi ni BFAR spokesperson Nerson Briguera, pinapayagan na ulit ang panghuhuli ng galunggong, kaya inaasahan na ang pagtaas ng supply nito sa merkado.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Kasabay ng pagtaas ng unloading ng mga galunggong sa mga pamilihan, inaasahan din na bababa na ang presyo nito.

Samantala, nilinaw rin ng opisyal na wala silang namomonitor na pagtaas sa presyo ng tilapia at bangus, batay ito sa regular price monitoring na ginagawa ng kanilang ahensya sa sampung major wet market sa National Capital Region.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Ang bangus ay naglalaro sa 160-180 ang presyo ng medium size, habang 120 pesos naman sa kada kilo ng tilapia.