Presyo ng bigas sa Naga City People’s Mall, pumalo na sa ₱67.00 per kilo; mga rice retailers, ikinabigla ang presyuhan

NAGA CITY – Nabigla ang mga rice re-tailers o vendors sa Naga City People’s Mall o merkado publiko, matapos ang muling biglaang pagtaas ng presyuhan ng bigas.

Pumalo na kasi sa P53.00 hanggang P67.00 bawat kilo ang Special Rice Local sa merkado, ang Well Milled Rice Local naman nasa P45.00 hanggang P52.00 bawat kilo na masasabing maganda-ganda na rin ang kalidad nito, bagamat una nang sinabi ng Department of Agriculture na maganda ang naging anihan ngayon, ibig sabihin sapat ang supply ng bigas.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Sa panayam kay Tony Cano, Rice Vendor sa NCPM at isang magsasaka, naniniwalang hindi nanormalized ang anihan dahil sa ilang araw na pag-uulan kaya ito siguro ang dahilan ng taas presyo, kung saan wala rin silang magagawa lalo na’t itinaas rin ang presyohan ng kanilang mga supplier, at tanging nasa taas din mismo ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanila kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng naturang produkto.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Dagdag pa nito na malaki ang epekto nito sa kanila dahil ang ilang suki na regular na bumibili ng sako-sakong bigas ngayon kalahati na lamang.