CAMARINES NORTE – Tumaas ng hanggang sampung porsiento ang ilang brand ng iodized salt sa ilang grocery store sa Camarines Norte.
Batay ito sa latest monitoring ng Department of Trade sa Basic Necessities at Prime Commodities.
Ang isang brand ng iodized rock salt na 250g ay tumaas ng P1. 10 habang ang isa pang brand na 500g ay tumaas naman ng P1. 20. Nasa 0.10 naman ang itinaas sa isang brand ng 250g na iodized salt, P2. 45 sa isang brand ng 500g at P2. 30 sa isa pang brand na 500g ng refine iodized salt.
Ayon sa DTI ang pagtaas na ito sa presyo ng iodized salt ay dahil sa pagtaas din ng presyo ng raw at packaging materials at iba pang costs globally.
Wala namang naging pagalaw sa presyo ng ilan pang commodities.
