President-elect Bongbong Marcos, muling nakipagpulong sa ilang mga diplomats

Muling nakipagpulong si President-elect Bongbong Marcos sa ilang mga diplomats sa kanyang headquarters sa Mandaluyong.

Nakapulong ni Marcos sina Ambassador Marat Pavlov ng Russia, Ambassador Hmed Shehabeldin Ibrahim ng Egypt ay Ambassador Grete Sillasen ng Denmark.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, nakatakda ring maka-pulong ni Marcos si Asian Development Bank President Masatsugu Asakawa.

Sa pagharap ng Russian Envoy sa media, inilahad nito ang ilan sa mga napag-usapan nila ni Marcos.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kabilang sa kanilang mga tinalakay ay ang isyu sa presyo ng petrolyo na higit na naapektuhan ng girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Tiniyak ni Pavlov na handa silang magbigay ng tulong sa Pilipinas sakali mang kailanganin nito ng pagkukunan ng enerhiya.
#