PRC naglagay ng medical tent sa harap ng Baypointe Hospital sa SBFZ

Naglagay ng medical tent ang Philippine Red Cross sa harap ng Baypointe Hospital sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito umano ay mayroong sampo hanggang dalwampung bed capacity para sa mga mayroong mild covid-19 symptoms.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang medical tent ay fully air-conditioned na maaaring magamit bilang isolation at treatment unit kung sakaling tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng virus.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, nitong araw ng Myerkules nang itayo ang medical tent sa may emergency admittance area ng ospital.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, nagpasalamat si Eisma at ang pamunuan ng Baypointe kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon sa suporta nito sa SBFZ.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of 1 person and text