PRC, kumita ng malaki sa mga RT-PCR tests – Panelo

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na taliwas ang mga ginagawa ng Philippine Red Cross sa mga pangunahing prinsipyo ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies, na tinukoy nito bilang “voluntary relief movement” na hindi naiimpluwensyahan ng “desire for gain”

Kinwestyon ni Panelo kung paano naging isang tunay na humanitarian organization ang PRC, kung  napaghahalataan ang pagkaganid at kagustuhan na kumita ng malaki.

Sinabi ni Panelo na laging ipinagmamalaki ng PRC na nangunguna ito sa COVID-19 testing sa Pilipinas, matapos nitong magsagawa ng mahigit 4-milyong reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.

Gayunman, ayon kay Panelo, nabigo ang organisasyon na maging tapat sa pagbebenta ng mga serbisyo nito sa mga tao.

Ipinunto niya ang sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigo ang PRC na magbigay ng diskwento para sa mga senior citizens at may kapansanan.

Kumbinsido rin si Panelo na kumita ng bilyon-bilyon ang PRC na minsan nang naningil ng P4,000 para sa COVID-19 tests, na malinaw anya na labag sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *