PPA Bicol, tiniyak ang kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng kanselasyon sa mga byahe ng barko

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) Bicol ang kanilang kahandaan kung sakaling magkaroon ng kanselasyon sa mga byahe ng barko sa rehiyon dulot ng masamang panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PPA Bicol Regional Spokesperson Achilles Galindes, sinabi niya na posible pa rin ang pagkakansela ng mga byahe kung magtutuloy-tuloy ang sama ng panahon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Patuloy umano ang kanilang monitoring sa mga pantalan lalo na sa Port of Matnog na pangunahing dinaraanan papuntang Visayas at Mindanao.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, nakahanda ang lahat ng mga pasilidad sa passenger terminal building upang patuluyin ang posibleng strandees kapag nagkaroon ng kanselasyon.

Payo naman ni Galindes sa mga nagbabalak bumyahe sa mga pantalan sa Bicol, patuloy na i-monitor ang taya ng panahon.