SORSOGON CITY – Ligtas na kainin.
Pahayag ito ni Dr. Alexander Destura ng Sorsogon City Veterinary Office sa harap ng katanungan ng ilan kaugnay sa poultry products na positibo sa bird flu.
Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na katulad ng mga baboy na tinatamaan ng African Swine Fever (ASF), ay ligtas din para sa human consumption ang nasabing mga poultry products basta ito lamang ay nalinis ng maayos, napakuluan at naluto ng mabuti.
Aniya, ang nasabing virus kasi ay sa nasabing mga hayop lang naman kumakapit at tumatama at wala naman itong magiging epekto sa kalusugan ng tao. Bagama’t ligtas naman para sa human consumption, sinabi ng opisyal na dapat pa ring mapigilan itong makapasok upang hindi na ito makahawa at kumalat pa sa nasabing mga hayop na kapag nagkataon ay tiyak na malaking dagok sa mga nag-aalaga ng mga ito.
