Poultry farm sa Calabanga, Camarines Sur nasunog!

CAMARINES SUR- Makapal at mataas na usok ang nakita ng mga residente kahapon , nilalamon pala ng apoy ang poultry farm sa Calabanga , Camarines Sur.

Nangyari ito bandang alas 10:05 ng umaga nitong Miyerkules nang sumiklab ang sunog sa Sabaupan Poultry Farm sa  Sitio Talacop Barangay Manguiring.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Habang nasa inspeksyon, nadiskobre ni  Alejandro Sabaupan y Llorente, Assistant Manager  ng poultry farm  na may usok sa likurang bahagi ng building na may 15 na mga silid. Daan upang humingi siya ng tulong sa  Bureau of Fire Protection Calabanga na kaulanan ay may augment din mula sa mga karatig bayan tulad ng Magarao , Canaman, Camaligan pati BFP Naga at San Fernando.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Alas 11:30 nag ideklarang fire out.  Umabot sa ikatlong alarma ang sunog. Inaalam pa ng BFP ang sanhi nito.

Kahaharvest pa lamang ng manok nang mangyari ang insidente pero inaalam pa rin kung may mga natusta roon. Inaalam pa ang halaga ng pinsala.