Postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections, daan upang tapusin mga programa’t proyekto ayon sa isang ABC Pres

NAGA CITY- Tapusin ang mga dapat na tapusing mga programa at proyekto, ipagpatuloy naman ang mga magagandang nasimulan.

Dito umikot ang opinyon ni Ragay ABC President Petling Mercado nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang Republic Act (RA) No. 11935 o ng postponement ng  Barangay at Sanguniang Kabataan Elections ngayong Disyembre at nagsasabing sa Oktubre 2023 na lamang ito gaganapin.

Read More:  10 soldiers injured after military convoy ambushed in Basilan

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Councilor Mercado sinabi nitong bilang last termer itinatutuwa niya dahil madaragdagan pa ng isang taon ang panunungkulan, may pagkakataon pa upang dagdagan din ang mga proyekto, magiging daan aniya ang halos isa pang taon upang maisakatuparan ang mga plano.

Read More:  Man killed in alleged stabbing by 15-year-old nephew in Cebu

May mga hindi natutuwa dahil may mga naghahanda na pero ayon sa opisyal huwag panghihinaan ng loob kung nais magsilbi.