Population Growth Rate ng Sorsogon bumaba simula 2015

SORSOGON CITY – Bagama’t lagpas sa 30K ang itinaas sa bilang ng populasyon ng lalawigan mula sa taong 2015 hanggang sa taong 2020, binigyang diin ni Philippine Statistics  Authority (PSA)-Sorsogon Supervising Statistician Specialist Gemma Red na bumaba naman ang growth rate ng probinsya.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon dito, mula sa dating 1.31 na growth rate noong 2010, bumaba ito sa 1.30 noong 2015 at bumagsak ito sa 1.13 sa kasalukuyan.

Kung titingnan umano ang nasabing datos ay masasabi na bumagal ang pagtaas ng populasyon ng lalawigan kada taon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Una rito, sinabi ng opisyal na isa sa nakikita niyang dahilan sa pagbagal na ito ay ang kagustuhan ng mga mag-asawa na magkaroon lamang na maliit na pamilya o kaunting bilang ng mga anak.