Pope Francis, ipinakilala na ang bagong arsobispo ng Agana sa Guam

Itinalaga ni Pope Francis si Filipino Bishop Ryan Jimenez ng Diocese of Chalan Kanoa sa Northern Mariana Islands bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Agana sa Guam.

Inanunsyo ng Vatican noong Sabado, Hulyo 6 ang appoinment ng 52-taong gulang na obispo.

Si Jimenez ay nagsilbi bilang Obispo ng Charan Canoa mula  noong 2016.

Siya ay iluluklok bilang arsobispo ng Archdiocese of Agana sa Agosto 15 sa Solemn Ceremony of the Assumption of the Virgin Mary sa Cathedral of Dulce Nombre de Maria sa Hagatna, Guam.

Ipinanaganak ang obispo noong, Dec. 18, 1971 sa Dumaguete City, Negros Oriental, natapos niya ang kanyang pag-aaral sa Estados Unidos sa Saint Patrick’s Seminary at Unibersidad sa California, natamo niya ang kanyang Bachelor in Sacred Theology, Master’s degree sa Divinity, at Master’s degree sa Theology noong 2003.

Nagturo rin si Jimenez sa Eskuelan San Francisco de Borja, isang Katolikong paaralan sa isla ng Rota sa Commonwealth ng Northern Mariana Islands.

Siya ay hinirang na Apostolic Administrator ng Charan Canoa noong 2010 at hinirang na pangalawang obispo  ni Pope Francis noong Hunyo 24, 2016.(BRIGADA NEWS INTERN CHA ARMADA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *