POPCOM Region 3 umaasang bababa pa ang bilang ng teenage pregnancy sa rehiyon

Umaasa ang Commission on Population and Development Region 3 na possible pang bumaba ang bilang ng teenage pregnancy sa rehiyon.

Ito ay dahil na rin sa mga nakalipas na mas mahigpit na restriksyon dulot ng covid-19 kung kalian hindi pinayagang makalabas ang mga menor de edad.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Regional Dir. Lourdes Nacionales, sa datos ng una at ikalawang kwarter ng nakalipas na taong 2020 ay bumaba na ng hanggang mahigit 12,000 ang datos ng maagang pagbubuntis mula sa dating mahigit na 20,000.

Matatandaan na nitong 2019 ay pumangalawa sa CALABARZON ang Region 3 sa may mataas na bilang ng naitalang teenage pregnancy.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kaugnay nito, paalala pa rin ng komisyon na mahalaga ang gabay ng mga magulang para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga anak na kadalasan ay delikado rin sa kalusugan at maging kinabukasan ay pwedeng maapektuhan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text