Pondo para sa ‘dolomite beach’, di na kasama sa DENR proposed budget

Hindi na isinama ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang 2022 budget proposal para sa rehabilitation ng Manila Bay ang pondo para sa “dolomite beach’ project.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ang P1.6 bilyong inihahaing pondo dito ay ilalaan na lamang sa rehabilitation program ng mga ilog na konektado sa Manila Bay.

Read More:  8 SC hopefuls face public questioning for retiring justice’s seat

Gagamitin rin umano ang pondo na ito sa paglilinis ng mga creek at estero.

Mababatid na nakatanggap ng kritisismo ang gobyerno sa pagpapagawa ng dolomite artificial beach na nagkakahalaga ng P389-million sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.