Makabubuti sa bansa ang kasalukuyang pagpapakita ng dalawang magkaibang posisyon sa mainit na usapin sa isinusulong na Peoples Initiative (PI), ayon sa isang political analyst.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila, kay Political Science Prof. Anna Malindog-Uy, sinabi nito na hindi na maitatago ang iringan ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Pinangangambahan naman ni Prof. Malindog-Uy ang posibleng dahilan sa lingkod ng pansamantalang pagsuspendi sa PI ng Commision on Election na aniya’y tila pagpapatahimik lamang sadali sa usapin.
Dagdag pa niya, hindi malayong maulit ang kasaysayan kung ipipilit ng nakaupo sa pamahalaan ang tinututulan ng taong bayan.