POC, magpapadala ng 400 atleta sa Asian Games sa China

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na malalampasan ng bansa ang dati nitong performance sa Asian Games kasunod ng matagumpay na kampanya sa katatapos lang na 32ndSoutheast Asian Games sa Cambodia.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sinabi ni Tolentino, na sinimulan na nilang i-assess ang komposisyon ng koponan , kung saan target nilang magpadala ng mahigit 400 atleta.

Ang 19thAsian Games ay gaganapin sa September 23 hanggang October 8 sa Hangzhou, China.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sa 2018 edition ng quadrennial meet na ginanap sa Jakarta at Palembang, Indonesia, nagpadala ang PH team ng 271 atleta at nag-uwe ng apat na ginto, dalawang silver at 15 bronze medals.//CA