PNP, pinaigting ang border control para maiwasan ang paglabas at muling pagpasok ng ASF

SORSOGON CITY – Mas pinalakas pa ng Sta Magdalena Municipal Police Station ang kanilang border control measures upang maiwasan ang paglabas at muling pagpasok ng mga baboy at mga produkto nito mula sa mga lugar na infected ng African Swine Fever o ASF.

Sa pahayag sa Brigada News ng Sta Magdalena MPS, katuwang na nila ang mga barangay officials sa paghihigpit ng checkpoint sa nasabing bayan kung saan nakapokus sa tatlong border control points ang kanilang pagbabantay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kinabibilangan ito ng Municipal Welcome Arc sa Brgy Penafrancia, nagset-up din sila ng checkpoint sa boundary ng Sta Magdalena at Matnog sa Brgy Sebastian at maging sa boundary ng Sta Magdalena at Bulusan, sa Brgy San Bartolome.

Napaulat kasi na habang nasa kasagsagan ng depopulasyon ng mga baboy ang mga awtoridad ay may naitala na mga baboy mula sa infected areas ang nailabas at naibenta sa kalapit na bayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa ulat, tatlong baboy ang natagpuan sa slaughterhouse sa Irosin bagaman nang kinunan ng blood samples, ay lumabas na negatibo ang mga ito sa ASF virus; gayunpaman, pinayuhan ang may-ari na ibalik ang mga baboy sa pinanggalingan nito sa Sta Magdalena.

Kung kaya’t inalerto ng MAO Sta Magdalena ang MAO ng Matnog, Bulan, Irosin, Bulusan at Sorsogon City Veterenarian para sa posibleng iligal na paglipat ng mga nahawaang baboy na galing sa infected na lugar.