PNP, pinag-iingat ang publiko sa iba’t-ibang mga modus na umiiral sa t’wing pasko

Tuloy ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-doble ingat at maging vigilant laban sa mga kabi-kabilang modus na umiiral t’wing holiday season.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo – maliban sa mga krimen na lumalaganap tuwing Kapaskuhan, naglilipana rin ang iba’t ibang mga scam at modus na kagagawan ng mga masasamang loob.

Kabilang na aniya rito ang ‘palit-pera’ at iba pang mga modus na gumagamit ng mga pekeng salapi.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Para maiwasan ito, pinaalalahanan ni Fajardo ang publiko na maging mapanuri sa mga matatanggap nilang pera para masigurong lehitimo ang mga ito.

Muli ring inabisuhan ng police official ang publiko na hanggat maaari ay huwag na munang mag-post sa social media ng mga kinaroroonan sa kanilang mga bakasyon dahil nagbibigay lamang ito ng detalye sa mga masasamang loob.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bago ito, una nang tiniyak ni Fajardo na inilalatag na nila ang security plan para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa pagdiriwan ng Pasko ng mga Pilipino.

Una na ring inanunsyo ang pagpapatupad ng ‘no-leave policy’ sa mga tauhan ng PNP para masiguro ang maayos na deployment at police visibility ng kapulisan sa bansa.
#