PNP, pinaalalahanan ang publiko na sundin ang firecrackers at pyrotechnics rules

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na sundin ang mga regulasyon at batas kaugnay sa pag-gamit ng mga paputok at pyrotechnics.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na ang pag-gamit ng malalaking paputok ay mahigpit paring ipinagbabawal.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Pinaalalahan din nito ang mga kumunidad na magtalaga ang bawat kumunidad ng firecracker display zone at community display area, kung saan doon maaring gamitin o idisplay ang mga items.

Samantala, sinabi naman ng PNP na ang lahat ng pyrotechnic devices o “pailaw” ay maaring gamitin sa labas ng designated community areas o sa bahay, maliban sa Type 4 pyrotechnic devices.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Nilinaw naman ni Fajardo, na walang ipinapatupad na ban sa mga firecrackers at pyrotechnics para sa mga manufacturers at retailers, pero dapat ang mga produkto ay ididisplay ng mga sellers sa mga designated areas.