PNP, may persons of interest na kaugnay sa pamamaril sa ilang opisyal sa Leyte

May tinitingnan nang 2 persons of interest ang Philippine National Police sa pamamaril sa Chairman, Kagawad at Tanod sa San Isidro, Leyte.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagsilbing mga spotter ang 2 persons of interest nang mangyari ang pamamaril.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ito’y maliban pa sa apat na suspek sa insidente.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para makakuha ng dagdag na mga impormasyon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Nabatid na nitong Feb. 24, nasawi ang 3 opisyal ng Barangay nang pagbarilin ng armadong kalalakihan sa loob mismo ng Bgy. Hall.

Tumakas ang mga hindi pa natutukoy na mga salarin sakay ng motorsiklo.