CAMARINES NORTE – Umaapela ngayon ang PNP Maritime Group sa mga coastal municipalities sa Camarines Norte na amyendahan ang kanilang Fishery Ordinance at isama sa requirements ng pagrerehistro ng bangka ang fishing vessel clearance certificate na iniisyu ng kanilang opisina.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag PCpl Laurence Dalimot, Fishing Vessel Clearance Officer ng PNP Maritime Group na nakabase sa Barangay Bagasbas dito sa Daet na alinsunod ito sa Executive Order No. 305 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004.
Sa ilalim nito ay kailangan munang mag secure ng Fishing Vessel Clearance Certificate ng mga bangkang 3 gross tonnage pababa sa PNP Maritime bago irehistro ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Limitado lang ito sa mga bangkang pangisda at hindi kasama ang mga tourist boat at mga pampasaherong bangka.
