PNP, magsasagawa ng masusing imbestigasyon sa road crash sa EDSA busway

Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police sa road crash na kinasangkutan ng isang isang police mobile at bus sa kahabaan ng Edsa bus carousel lane noong Miyerkules.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Sa isang pahayag, binigyan-diin ng PNP ang zero-tolerance policy nito sa mga maling gawain ng mga pulis.

Naisyuhan na rin daw ng Ordinance Violation Receipt ng Quezon City Traffic Enforcement Group ang police driver dahil sa reckless driving matapos biglang pumasok sa bus lane na ikinasugat ng lima katao.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Nauna rito, inalis na muna sa pwesto ang pulis at posibleng maharap sa kasong administratibo.