PNP, inihayag na tumaas ang kaso ng krimen nitong Marso sa buong bansa

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na tumaas ng bahagya ang kaso ng krimen nitong Marso ngayong taon sa buong Pilipinas.

Ayon sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management and Crime Research Analysis Center (CRAC), 5.61% ang itinaas o 29,798 na kaso habang nasa 28,214 lamang ito nitong Pebrero.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tumaas ito noong ibinaba sa Alert Level 1 ang ilang mga lugar sa bansa kung saan marami na ang mga taong nakakalabas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, umabot na sa 995 ang kaso ng pagnanakaw, 328 naman ang naiulat na kaso ng pagpatay at 336 naman ang physical injury. Bumaba naman ang kaso ng panggagahasa na ngayon ay nasa 456 na. (ARGIE ERGINA)