PNP Chief Acorda, may naiisip nang papalit sa kanya kasabay ng nalalapit niyang pagreretiro

Sa December 3 nakatakdang magretiro si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr.

Bagamat wala pang lumulutang na susunod na magiging hepe ng Pambansang Pulisya, may naiisip na raw si Gen. Acirda na papalit sa kanyang posisyon.

Pero aniya mahirap pangunahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpili ng bagong PNP Chief.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kanina, sinimulan ni Acorda ang pamamaalam bilang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya sa kaniyang “Alma Mater” ang Philippine Military Academy o PMA sa Baguio City.

Dito, nagpasalamat si Acorda sa akademiyang humubog sa kaniya ng 37 taon bilang miyembro ng unipormadong hanay

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa kaniyang pagreretiro, sinabi ng PNP Chief na kaniyang iiwanan ang PNP na pinagkakatiwalaan ng publiko dahil sa mataas na trust at approval ratings.

Una nang lumutang na papalit bilang PNP Chief sila NCRPO Chief PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. at CIDG director Major General Romeo Caramat Jr.