PNP Cauayan City, nagpapatuloy ang Barangayanihan para sa mga residente

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang Barangayanihan at iba pang serbisyo ng PNP Cauayan para sa mga residente sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanilang serbisyong matulungan ang mga mamamayan lalo ngayong selebrasyon ng ika-26th PCR’s month ng PNP.

Aniya, kamakailan lang ay nagsagawa sila ng barangay caravan sa Brgy. Cabugao para sa medical at dental mission.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nasa 17 aniya na mga bata ang naging benepisaryo ng kanilang libreng tuli, 38 na naserbisyuhan ng libreng gupit, at 34 na katao naman para sa libreng bunot.

Namigay din aniya sila ng mga hygiene kits at food packs.

Kasabay din ng naturang aktibidad ay nagsagawa sila ng tree planting kung saan nasa 300 na seedlings ang kanilang naitanim.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Maliban dito ay nagpapatuloy din aniya ang kanilang ‘adopt a family program’ kung saan namamahagi sila ng mga groserya sa mga benepisaryo kada linggo.

Samantala, nagpasalamat naman si PLT. Topinio sa publiko sa suportang ibinibigay sa kapulisan at hiniling na sana ay huwag magkaroon ng negatibong reaksyon ng mga pulis dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.

Photo: PNP Cauayan