PNP – bukas sa mga reklamo kaugnay sa Chinese na nanlaban sa BGC

Bukas ang tanggapan ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa mga reklamo kaugnay sa kanilang operasyon kagabi sa Bonifacio Global City (BGC) kung saan isang Chinese ang nakipagbarilan.

Ito’y matapos naiulat na may naperwisyo at napinsalang ibang sasakyan sa pakikipaghabulan at barilan sa suspek na dayuhan.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Aminado si PNP-AKG Director Police Brigadier General Cosme Abrenica na mahirap maiwasan sa habulan at barilan ang posibleng pinsala sa ari-arian.

Gayunpaman, ipasusuri ni Abrenica ang lugar para malaman kung may napinsala sa operasyon kagabi.

Pagtitiyak ng opisyal, walang nasugatan o nasawi sa kanilang operasyon at malayo naman ito sa pusod ng BGC.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Ayon kay Abrenica, bukod sa reklamong kidnapping mahaharap ang Chinese National sa reklamong attempted homicide at illegal possession of firearms and explosives.

Matatandaang, isisilbi sana ng mga tauhan ng PNP-AKG at PNP-Taguig ang arrest warrent laban sa Chinese National nang manlaban.