PNP babalangkas ng guidelines laban sa mga nagtitinda ng vape sa mga menor de edad

Inatasan na ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Directorate for Operations na bumalangkas ng operational guidelines laban sa mga nagtitinda ng vape sa mga menor de edad.

Ang aksyon ng PNP ay resulta ng pulong sa pagitan ni DOH Sec. Ted Herbosa sa Kampo Crame, matapos humingi ng tulong ang kalihim sa pulisya na masigurong walang access sa e-cigarettes ang mga menor de edad, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa baga sa mga teenager.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Ayon kay Gen. Acorda, ang guidelines ay para masiguro ang istriktong pagpapatupad ng PNP sa Republic Act 11900, na nagbabawal sa pagbebenta ng vape products sa mga menor de edad.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Kasama sa guidelines ang pag-aresto sa mga lumalabag sa naturang batas.

Bukod sa mga hakbang laban sa mga nagbebenta ng vape products sa kabataan, sinabi ni Acorda na magpapatupad din ng information campaign ang PNP para ipaalam sa publiko ang masamang epekto ng vaping.