PNP-ACG – nakikipag-ugnayan na kay Sen. Gatchalian kaugnay sa natanggap na banta sa kanyang buhay

Nakikipag-ugnayan na ang PNP- Anti Cybercrime Group kay Sen. Sherwin Gatchalian .

Ito’y matapos magpasaklolo ng Senador sa pnp makaraan umanong makatanggap ng banta sa kanyang buhay sa gitna ng imbestigasyon sa mga iligal na POGO.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, inaalam na ng ACG kung saan nanggagaling ang naturang banta sa mambatatas.

Una nang inulat ni Gatchalian sa Pasay Police ang kumakalat na video ng laban sa kanyang kaligtasan na nagdudulot umano ng takot sa kanilang pamilya.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Bukod kay Gatchalian, nagpatulong na rin sa PNP ang ilang tauhan ng PAOCC sa gitna ng kanilang operasyon sa mga scam hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.