PNP-ACG, kumikilos na rin para tukuyin ang nasa likod ng deepfake video ni PBBM

Nagpapatuloy ang cyber patrol operations ng PNP- Anti-Cybercrime Group para tukuyin ang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay outgoing PNP-ACG Director, Maj. Gen. Sidney Hernia, inaalam na rin nila kung sinu-sino pa ang mga nagpakalat ng nasabing video na posibleng konektado sa gumawa nito

Hiniling na rin ng ACG sa Youtube ang preservation ng datos ng channel na may pangalang “Dapat Balita” habang naka-down na rin ang facebook page nito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kahit na na-deactivate ang YouTube channel, nagkaroon kasi ng bagong account na may parehong pangalan na nag-repost ng mga videos.

Ang deepfake ay isang uri ng synthetic media, kung saan ang mukha o boses ng isang tao ay pinapalitan ng mukha o boses ng ibang tao gamit ang artificial intelligence, na nagpapakita ng mga bagay na hindi nagaganap sa totoong buhay.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Babala ni Hernia, maaaring harapin ng mga cybercriminals ang mga kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code nin relation to Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa pagpapakalat ng malisyoso at mapanirang video.