Pinoy filmmaker, bumida sa Manhattan International Film Festival

Nag-uwi ng parangal ang pinoy filmmaker na si Ken Anderson sa isinagawang Manhattan International Film Festival para sa kanyang pelikulang ‘OKAY LNG AKO’.

Sa Instagram post ni direk, makikita ang kanyang retrato sa Times Square sa New York hawak hawaka ang plake para sa Best Short Film Award.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Ang kanyang pelikula ay tungkol sa buhay ng isang Pinay overseas Filipino worker na nagta-trabaho sa Amerika.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

2019 nang i-direk ni Ken ang kanyang kauna-unahang pelikula na Lola.

Si Ken ay kapatid ng aktor na si Gerald Anderson.