Magpapaabot ang Department of Migrant Workers (DWM) ng legal at iba pang kinakailangang tulong sa isang Pinoy na inaresto sa Tokyo dahil sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawang Hapon.
Batay sa mga balita mula sa Japan, inaresto ang Pinay na si Hazel Ann Morales dahil sa hinalang pag-abandona sa bangkay nina Norihiro at Kimie Takahashi.
Natagpuan ang bangkay ng mag-asawang Hapones sa kanilang tahanan at tila sinaksak.
Ayon sa officer-in-charge ng DMW na si Hans Cacdac, nakikipag-ugnayan ang ahensya kay Philippine Ambassador Mylene Garcia-Albano para sa susunod na hakbang na gagawin.
Hindi pa malinaw kung si Morales ay isang migrant worker o permanenteng residente na ng Japan, ngunit sinabi ni Cacdac na ang DMW at ang embahada ng Pilipinas ay palaging nakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa mga kaso ng mga Pilipinong nangangailangan ng legal aid.
Tiniyak din ni Cacdac ang tulong sa pamilya Morales.