Pinaslakas vaccination campaign isinagawa sa dinarayong Tulay na Bato Chapel ngayong Biyernes

CAMARINES NORTE- Nagtungo sa dinarayong Tulay na Bato Chapel sa bayan ng Basud, Camarines Norte kaninang umaga ang vaccination team mula sa Municipal Health Office para magsagawa ng pagbabakuna sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno.

Kaugnay pa rin ito sa “Pinaslakas” Covid- 19 vaccination campaign ng gobyerno na layong pataasin at paigtingin pang lalo ang pagbabakuna.

Sinamantala ng vaccination team mula sa MHO- Basud ang dami ng mga deboto ng Nazareno na nagtutungo sa lugar tuwing araw ng Biyernes para sa kanilang debosyon.

Welcome ang lahat na magpabakuna kahit hindi mga taga Basud.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maging ang mga piestahan sa Barangay ngayong buwan ay tinutungo rin ng Pinaslakas vaccination team para ilapit sa mga tao ang bakuna.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang kaninang alas 6 ng umaga, Agosto 26, nasa 95. 1 percent na ng target population na 30, 543 ang nabakunahan kontra Covid- 19 sa naturang bayan.

Nasa 2, 490 ang nakatanggap na ng unang booster dose o 8. 2 percent habang ang nakatanggap naman ng ikalawang booster dose ay nasa 238 o 0. 78 percent.

Pagdating naman sa A2 priority group nasa 2, 942 o 89.5 percent ang nabakunahan sa target na  3, 288.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa edad naman na 18- 59 ay lumagpas sa target ang nabakunahan.

Sa target na 18, 590 nasa 19, 135 ang bakunahan o katumbas ng 102. 9 percent.

Mataas din ang vaccination coverage sa edad 12- 17 na umabot sa 138. 9 percent.

Sa target kasi na 3, 860 ay nasa  5, 360 ang nabakunahan.

Sa kabilang dako, mababa naman ang bilang ng nabakunahan sa 5- 11 na nasa 1, 613 sa target nna 4, 805 o katumbas ng 33. 6 percent.