Pinaniniwalaang rebelde, sumuko!

KORONADAL CITY — BOLUNTARYONG sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa boundary ng New Bantangan, Columbio, Sultan Kudarat at Palo 19 sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Kinilala ang sumukong rebelde na si Lemuel Manton Sabino alyas Ka rap-rap, 42 anyos, single at residente ng Purok 6, Barangay Batangan, Columbio, Sultan Kudarat.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Bitbit nito sa kanyang pagsuko ang isang unit ng serviceable 12-gauge shot gun na may kasamang isang long magazine.

Ipinasiguro naman agad ng mga otoridad ang tulong para sa nasambit rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Pinuri naman ni PBGen Jimili Macaraeg, regional director ng PRO-12 ang mga otoridad kung saan sumuko ang nasabing rebelde.

Patuloy naman ang panawagan ng opisyal sa mga kasamahan pa ng nasabing rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno upang makapamuhay ng matiwasay.